Para akong natuyuan ng katas ngayong araw na 'to...ihi lang ang pahinga. Puwede na rin akong tawaging "ang lalakeng walang pahinga".
Naka-leave kasi ang bossing ko, umuwi ng Zamboanga para sa kanyang taunang bakasyon grande at as usual, oic ako sa departamento. Lahat kasi ng meeting niya sinasalo ko, idagdag pa 'yong sarili kong meeting...suma-total, doble. Kabi-kabilaang meeting na buti sana kung lahat ay kaiga-igaya, yung iba, talagang nakakaantok. Kanina lang, pinakahuli na dinaluhan ko ay ang operations meeting na natapos ng alas onse y medya. Pagkakain ng tanghalian, patunaw ng kaunti at nagtawag uli ng panibagong pulong, alas dose y medya. Ito nama'y para sa nalalapit na Christmas party. Pinag-usapan namin kung ano ang itatanghal ng management team, dumating kasi ang nai-hire na choreographer at nai-presenta ang mga binabalak na gagawin.
Pagkatapos ng meeting, balik ako sa aking opisina para naman saguting ang mga e-mails na kung anu-anong information na hinihingi at mga reports ko na nangangamoy na sa tagal at di matapus-tapos. May taga-Meralco na nangangailangan ng mga power transformer specifications. May taga-Technical Center (sa Malaysia) na nangangailang ng mga electrical single line diagram ng power distribution para sa kanilang Fault Study, may iba naman nag-iimbita ng mga seminars. Pinakamaganda 'atang natanggap kong mail kanina ay yung isang clip tungkol sa isang taga-CEU na sekretong nakunan sa isang motel...padala ng isang ka-opisina kong mahilig o pwede na rin nating tawagin na marunong magmalasakit sa kapwa lalake.
Kauupo ko lang, tumawag naman itong division manager dito at may bagay na gustong linawin at idiskusyon. Suya, kababalik ko lang, ayan..tawag uli (di ko lang masabi na kung sino me kailangan, siya ang lumapit)! Pagkatapos ng pag-uusap, balik ako sa opis ko na sana eh malapit, pero halos 200 meters na lalakarin. Kauupo ko lang, ayan na ang isang bata kong technician...naglalambing na panoorin ko raw ang practice nila sa kanila ring presentasyon sa x'mas party. Di na rin ako umayaw, hangga't maari kasi ayoko silang mapahiya. Gusto ko rin namang ipakita ang suporta ko sa kanilang ginagawa. Kaya, ang labas ko sa planta kanina, mga alas otso na ng gabi.
Kaya ito ako ngayun, masakit ang ulo pero nagbo-blog pa rin (syempre)...Ay, hirap talaga kumita ng pera...

No comments:
Post a Comment